hindi iyon inaasahan.

Wala ni kahit ano mang babala
o karatulang nagsabing dapat munang tumigil sa paglalakad.

Kusa nalang tayong nagkabangga.
Hindi iyon plano, hindi iyon sinasadya.
Wala ni isa sa atin ang may alam kung bakit
sa dinami dami ng mga ligaw na tao sa mundo,
tayo pa talaga ang pinaglaruan ni Kupido.

Nakakatawa,
ngunit minsan na rin akong natanong
kung bakit imbes na ako’y umiwas,
mas pinili kong masaktan.
At oo, iyon ang naging mali ko.

Pero huwag kang mag-aalala, mahal,
sapagkat ako’y natuto na.

Saka nalang ako muling tataya
kung nasisiguro kong padala ka na ni tadhana.

– El

Nung unang nagtagpo ang ating mga landas,
Photo by Ben Blennerhassett on Unsplash
fields of emotions love, reminiscence