alam kong may mga pagkakataong nahihirapan tayong bitawan ang isang bagay.

Kahit anong limot man natin,
may hahatak at hahatak pa rin upang tayo’y bumalik dito.

At hindi ko na iyon ipinagtataka.
Lalo na’t alam kong isa ito sa mga senyales na minahal ko ito ng husto.
Ngunit kailanga kong bumitiw hangga’t kaya ko pa.

Ayaw kong magdusa sa bagay na kahit kailan ay hindi takot kung ako ay mawala.

Oo, tama, mahirap mabilanggo sa dulo. Kaya kahit masakit,
di bale na. Bibitiw ako kahit ang totoo’y hindi ko kaya.

Kung makukulong lang ako sa ating nakaraan, sana’y binitawan nalang kita ng mas maaga.

– El

Kahit hindi man natin sabihin,
Photo by Tarik Haiga on Unsplash
fields of emotions anguish, hope, life lesson, soul searching