isa ka sa mga naging rason kung bakit mas pinili kong mamuhay nalang sa panaginip.

Ito ang mga panahong pipikit ako dahil sinunod ko ang aking puso.

Pipilitin kong huwag matapos ang gabi nang hindi tayo nagpapalitan ng mga titig
o di kaya’y iisiping ang iyong kamay ay nasa akin habang nagsasayawan sa ilalim ng buwan.

At patuloy akong pipikit para makakuha ng lakas ng loob na tumaya
at maging matapang sa kung anong dala ng iyong mahika. Kaya oo,
mas pipiliin kong sa panaginip nalang muna.

Dahil sa aking panaginip, kahit doon, kahit kunwari lang, alam kong merong tayo
– at nasisiguro kong akin ka.

At ikaw ang pinakaunang rason kung bakit mas pipiliin kong sa panaginip pansamantalang tumira.

– El

Gusto kong aminin na kahit minsan,
Photo by zero take on Unsplash
fields of emotions fate, hope, love, reminiscence